Hindi na pinatulan pa ng Malacañang ang depensa ni dating Presidential spokesman Edwin Lacierda kay ex-President Noynoy Aquino patungkol sa buweltang batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Well, opinion po ni former Spokesperson Lacierda ‘yan and anybody naman can always air their opinions anytime. So, kung ‘yun po ang opinion niya, wala po tayong magagawa,” pahayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Marie Banaag sa press briefing sa Malacañang kahapon.

Matatandaan na sumiklab ang bangayan matapos punahin ni Aquino ang war on drugs ni PDu30 na tila walang nangyari.

Bumuwelta naman si PDu30 kay Aquino at sinabing puputulin nito ang ulo ng dating Pa­ngulo kapag pumasok ito sa kala­karan ng ilegal na droga.

Binira rin ni Pangulong Duterte ang mga nakapaligid na heneral­ kay Aquino noong ito pa ang Presidente dahil diumano’y sabit ang mga ito sa negosyo ng bawal na gamot.

Nakisahog naman si Lacierda at idinepensa si Aquino.