Bukas ang Palasyo ng Malacañang sa posibilidad na gawing state witness sa iligal na droga si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Sa isang panayam kahapon, sinabi ni Pre­sidential Spokesman Ernesto Abella na hindi isinasantabi ng Palasyo ang alok mismo ni Espinosa na maging state witness.

Magiging state witness si Espinosa kapalit ng gagawin nitong pagkanta sa lahat ng nalalaman kaugnay sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

Sakaling kagatin ng gobyerno ang alok na maging state witness ay handa raw ang alkalde na pangalanan ang iba pang nakatransaksyon ng kanyang anak pero nais muna nitong makatiyak na mapapasailalim ito sa witness protection program (WPP) ng Department of Justice (DOJ).

Nagpatikim ng nala­laman sa operasyon ng iligal na droga si Espinosa nang ibinunyag nito ang pagkakasangkot ng isang senador na nasa drug matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte.

3 Responses

  1. Basta’t supportahan na Lang natin ang contra sa droga na salot ng bayan at siya rin hinuhugutan ng pera ng mga korrupt na politikos. Sino man ang kasangkot dapat mapanagotan.