Ipinagwalang-bahala lang ng isang opisyal ng Malacañang ang natanggap na kritisismo ni US President Donald Trump sa pag-imbita nito kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte na bumisita sa White House ngayong taon.

Ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella, inaasahan na nilang marami ang pupuna sa imbitasyon ni Trump kay Duterte.

Inulan ng batikos si Trump sa pag-imbita kay Duterte dahil nag-imbita­ raw ito ng isang mass murderer, patungkol sa higit 9,000 napatay sa war on drugs ng admi­nistrasyon.

Sa ngayon, ayon pa kay Abella, wala pang kumpirmasyon kung tatanggapin o hindi ni Pangulong Duterte ang imbitas­yon sa kanya ni Trump.

Ipinarating ni Trump ang imbitasyon nang mag-usap ang dalawa sa telepono nitong Sabado­ ng gabi matapos ang summit ng Association of Southeast Asian ­Nations (ASEAN).

“Basically, the conversation was between PRRD and POTUS. So basically it’s confined between the two of them. There will always be critics,” wika ni Abella.

6 Responses

  1. kaya malaki takot ni DUTERTE pumunta sa amerika,,baka ONSEHIN sya ni TRUMP..yun pala sabay maglalabas ng INTERNATIONAL ARREST WARRANT ang ICC..at sa NETHERLANDS sya mag STATE VISIT…hahahaha,,,dati-rati MINUMURA ni duterte ang ICC at UN,,ngayon naUBOS na yung pagiging TIGASIN ni duterte,,,,TIGAS-TITI na lang ang natira…dapat kapag magSTATE VISIT si duterte,,magdala sya ng WHEELCHAIR,,NECKBRACE at FENTANYL…dahil walang issue ang ICC ng ganyan..

  2. Bigo pa rin ang pangarap ni Mang Kanor, na maka-apak sa America, hahaaah..sya ang dadalawin, kasi bawal syang umapak sa US, dahil baka daw magkalat lang doon….hahaaaaah

      1. EH NGAYON, INVITATION NA NG US PRESIDENT NAGDADALAWANG ISIP AT MALAMANG HINDI PUPUNTA DAHIL TAKOT AT MINUMULTO NA SIYA NG KAGASPANGAN NG BUNGANGA NIYA.