Idinepensa kahapon ng Malacañang ang ginawang pagpigil ng Philippine National Police (PNP) sa Presidente ng Liberal International na mabisita si Senadora Leila de Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, kamakalawa.
“Our authorities are strictly following protocols in the PNP Custodial Center. It is unfortunate that the name of Mr. Juli Minoves, President of Liberal International, was not included in the list of approved visitors scheduled to see Senator Leila De Lima on that day,” ayon sa pahayag ni presidential spokesperson Ernesto Abella.
Nagpaliwanag na umano ang PNP kung bakit hindi nila pinayagan si Minoves na mabisita si De Lima sa detention cell nito kaya hindi na dapat pang lagyan ng kulay ang isyu.
Nabatid na ang kasama ni Minoves na sina Liberal International’s Human Rights Committee chair Markus Loening at Friedrich Naumann, Foundation-Philippines president Wolfgang Heinze, ay pinayagan naman na makapasok sa Custodial Center at makipag-usap kay De Lima.
Una nang binatikos ni Minoves at sinabihan ang mga pulis na ginamit nitong dahilan ang ‘administrative excuse’ para mapigilan siya na mabisita ang senadora.
Magugunita na si De Lima ay nakulong matapos masangkot sa kalakalan ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) noong siya ay kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).
what makes DE5 special para payagan ang mga dayuhan na bumisita sa kanya sa kulungan? at tama lang yun na di pinayagan..
UU NGA TAMA ‘YUN – KSE BAKA IBUKING PA NI DE5 ANG MGA KAHINDUTAN NG AMO NATING MAY SAYAD SA ULO NA SI DIGONG.