Agad dumipensa ang Malacañang sa banat ng New York Times na si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang siya ring dapat sisihin sa paglakas ng armed conflict ng Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella hindi lamang dapat tingnan ang sitwasyon sa Marawi City at ang Maute Group sa iisang konteksto bagkus sa buong picture.

“Let us give the Pre­sident enough credit, hindi talaga siya nakikipag-away lang.

Siya President, hindi naman ibang tao iyan lalo na iyong mga nakikinig lang sa peryodiko, mga media at namimili lang sila ng gusto nilang pakinggan pero sa totoo lang po ang Presidente natin ay maka-Pilipino at lagi po niyang interest ang safety,” paliwanag ni Abella.

Sa editorial ng NY Times sinabi nito na sa isang pahayag ni Pangulong Duterte noong Dis­yembre 2016 ay tila hi­namon na nito ang Maute Group na “go ahead do it.”

Ngunit paliwanag naman ni Abella nang humarap ang Pangulong Duterte sa 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army noong 2016 at sabihin ito ay ang kanyang unang iginiit ay ayaw niyang makipag-away at bukas ito sa pagkikipag-usap sa mga terrorist group kasama na ang Maute. Umapela pa umano ang Pangulo na tulu­ngan sya.

2 Responses

  1. tama naman ang NEW YORK TIMES…HINAMON TALAGA NI DUTERTE ang MAUTE na sunugin ang MARAWI…eh! d pinatulan sya ng MAUTE…ngayon kadaraUTOT si DUTERTE..kaya nga hindi sya pumupunta sa MARAWI natatakot…akala kasi ni duterte BOYSCOUT yung HINAMON nya,,,BOPOLS na ABELLA sisihin naman yung MEDIA…huy! abella panoorin mo sa youtube si duterte,kung sinabe nya sa MAUTE,,,duterte DARE MAUTE TO BURN MARAWI CITY…panoorin mo yan ABELLA bago mo sisihin ang MEDIA..