Dumistansya kahapon ang Palasyo ng Malacañang sa sinasabing pagpapalabas ng sex video sa Kamara bilang isa sa mga ebidensya na ihaharap sa mu­ling pagpapatuloy ng imbestigasyon sa drug trade sa National Bilibid Pri­son (NBP).

Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na hindi pinanghihimasukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang diskarte ng Kongreso.

“Regarding the House Justice chair (Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali) being cool to showing certain video­tapes, it is fair to say that the President will not meddle in the affairs of the Congress,” sabi ni Abella. “It is not his territory.”

Ang tinutukoy na video ay may kinalaman diumano kay Sen. Leila De Lima at sinasabing lover­ ito na kapwa inaakusa­hang dawit sa kalakaran ng ba­wal na gamot sa bilibid.

Samantala, nag-aalala naman si Vice President Leni Robredo sa posibleng pagpapalabas ng Kamara sa umano’y sex video ni De Lima.

Sa isang statement na inilabas ng tanggapan ni Robredo kagabi, sinabi nito na wala siyang problema sa ginagawang pagdinig ng Kamara subalit dapat umanong pairalin ang hinahon at gawing matino ang imbestigasyon.

“I am concerned by the news that, as part of this investigation, there is a plan to show a supposed video of an incumbent senator engaged in an intimate act,” pahayag ni Robredo.

Bilang abogada, naniniwala si Robredo na pag­labag sa batas ang Kongreso kapag itinuloy ang planong ilabas ang sex video.

2 Responses

  1. Sige, ilabas nyo at mapahiya lang kayo dahil kuryente yan. Inilabas na yan sa youtube at facebook at napatunayan yan na peke tulad ng picture na kasama daw si colangco pero si cong, vargas pala yun. Peke yun tulad ng buhok ni aguirre