Ikinalugod ng Malacañang ang mataas na net personal optimism at net optimism sa ekonomiya ng mga Pinoy sa pinakahuling survey na isina­gawa ng Social Weather Station (SWS).

Alinsunod sa survey na ginawa noong Hunyo 23-26 nang lumalabas na ang net personal optimism ng mga Pinoy na naitala sa +40 habang ang net optimism sa ekonomiya ay +27 na kapwa nasa excellent level.

“We have made significant strides in the first year to ensure the inclusion of the marginalized and disadvantaged sectors, which form part of our objective to reduce overall poverty rate from 21.6 percent in 2015 to 14 percent by 2022, as per our Philip­pine Development Plan,” reaksyon ni Presidential spokesperson Ernesto Abella sa resulta ng survey.

Kumpiyansa rin si Abella na maaaring ang dahilan ng pagtaas ng net optimism ay dahil sa ilang libreng serbisyong ipinagkaloob ng gobyerno katulad ng libreng medisina, libreng edukasyon sa public schools college students, libreng irigasyon sa mga magsasaka, libreng internet access, mas mataas na pension sa senior citizens at marami pang iba.