Ikinalugod ng Malacañang ang paglusot ng rice tarrification bill sa Senado.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ngayong nakalusot na sa Senado ang rice tarrification bill, inaasahan ng Palas­yo na madali na rin itong mapagtitibay sa bicameral confe­rence committee.

Ayon sa kalihim, ang nabanggit na panukalang batas ay siner­tipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t agad na lalagdaan ito sa sandaling makalusot sa bicameral conference committee.

Tiwala ang Palasyo na mapoproteksiyunan ang rice industry sa mga biglaang pagtaas ng presyo nito pati na rin ang mga consu­mer na naapektuhan sa mataas na presyo ng bigas.

Sinabi pa ng kalihim na kapag naging ganap na batas ang rice tarrification bill ay magi­ging daan ito para hindi na magkaroon ng rice shortage sa bansa at bababa ang presyo ng bigas dahil malaya nang makapag-angkat ang mga rice trader basta magba­yad lamang ng kaukulang taripa sa gobyerno.