Ikinagalak ng Malakanyang ang mataas na net satisfaction rating ng gobyernong Duterte sa third quarter ng 2016, sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS).
“We thank the Filipino people for giving the highest initial net satisfaction rating,” pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar nang hingan ng reaksyon sa resulta ng survey.
Sinabi pa ni Andanar na ang ‘very good’ +66 net satisfaction rating ng Duterte administration ay bunga ng inspirasyon at tatag ng Pangulo at ng kanyang team para doblehin ang oras at lakas na labanan ang iligal na droga, kriminalidad at korapsyon na nagresulta ng paglakas ng ekonomiya ng buong bansa.
“Let these survey results not lull us to complacency. The President, as we all know, has been elevating the consciousness of our people from the gravity of the drug problem and the threat of terrorism and lawlessness,” ayon pa kay Andanar.