Ikinatuwa ng Malacañang ang magandang ranking ng Pilipinas sa World Justice Project Rule of Law Index kung saan nasa 90th na mula sa 126 na mga bansa ngayong 2019.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi napapagod ang administrasyon sa pagtatrabaho sa umpisa pa lamang ng pamamahala at hindi titigil para lalong mapaganda at mapahusay ang gobyerno.

Gayunman, sinabi ng kalihim na hindi kakaya­ning mag-isa ng ehekutibo ang paglaban sa korapsiyon at pagprotekta sa publiko mula sa kawalan ng katarungan.

Kailangan aniya ang suporta ng lahat ng sangay­ ng gobyerno para magtagumpay ang adhikain ng administrasyong Duterte.

“The Executive branch, however, cannot do it alone. The four universal principles of the World Justice Project rule of law framework, which include accountability, just laws, open government, and accessible and impartial dispute resolution require the support of all branches of the government,” dagdag pa ni Panelo.

Nabatid na gumanda ang puwesto ng Pilipinas sa Rule of Law Index ngayong taon mula sa ranking nito noong 2017 at 2018 dahil na rin sa mga inisyatibo ng pamahalaan, ayon kay Panelo.