Ipinagkibit-balikat lamang ng Malacañang ang puna ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na muling binigyan ng puwesto sa gobyerno ang ilang opis­yal na nauna nang sinibak dahil sa katiwalian.

“The officials who were removed or resigned from their posts and appointed to other positions were not tainted with corruption during their stint in their offices. It just happened that their expertise and talents were not sui­ted to their previous positions,” ani Panelo.

Karapatan aniya ng Pangulo na ilipat kung saan inaakalang makakatulong ang isang opis­yal dahil mayroon siyang kapangyarihan na gawin ito.

Sa isang dinaluhang forum ni Morales noong Huwebes, inihayag nitong naiinis siya dahil na-recycle ang ilang opisyal na naakusahan umano ng korapsiyon, pati na rin ang pagka-absuwelto ng ilang opisyal na nakasuhan ng katiwalian sa Sandiganba­yan.