Mas dapat ikabahala ang kawalan ng pang-una­wa ng local at internatio­nal observers sa nagaganap na giyera kontra iligal na droga sa Pilipinas.

Mas nakakaalarma umano ito kaysa sa malawak na paggamit at kala­kalan ng iligal na droga sa bansa, ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

“What is more alar­ming than the pandemic use and trade of illegal drugs in the Philippines is the seeming incomprehension by local and international observers.

The inadequate government response over the past years has seen the distur­bing rise of narco-politicians who no longer rely on political machinery for support but rather on their ability to buy votes with cash derived from drug trade; aside from the seeming impunity of those engaged in the trade,” tugon ni Abella kahapon patungkol sa hirit ng United Nations (UN) sa gobyerno ng Pilipinas na itigil ang nagaganap na extrajudicial killings (EJK) sa bansa.

Sinabi na aniya ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na may mga nasawi sa kamay ng mga vigilante kaya naman inatasan nito ang National Police Commission (Napolcom) na imbestigahan ang hanay ng Philippine National Police (PNP).

“The President has repeatedly said that he does not tolerate extrajudicial killings, nor is it policy. Government’s principal concern is to ensure the general safety and security of the citizens,” pahayag pa ni Abella.

Kaugnay nito bumaba naman aniya ang crime rate at nilinis ang hanay ng kapulisan pag-upo sa puwesto ni Pangulong Duterte.