Dahil pinagbabawal pa rin ang pamamasada ng mga jeep at ibang klase ng transportasyon, plano ng gobyerno na maging taga-deliver ang mga nawalan ng trabaho na mga jeepney driver.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay hindi pa pinag-iisipan ang pagbabalik ng mga jeepney sa lansangan para sa public transportation dahil hindi umano napapatupad dito ang social distancing.

Gayunpaman, plano umano ng Department of Transportation na tapikin ang mga tsuper ng jeep sa pagde-deliver.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, pwede naman umanong magpatulong sa gobyerno ang mga jeepney driver para makakuha ng sinusulong na modern PUV sa modernization program na magpe-phase out sa mga lumang jeepney. (RP)