Palasyo nagdiwang sa makasaysayang ginto ni Yulo

Pinuri ng Malacanang si Filipino gymnast ­Carlos Yulo sa inuwing gintong medalya sa men’s floor execise sa 49th FIG World Artistic Championship na ginanap sa Stuttgart, Germany.

“We at the PCOO salute the talent and ­determination to ­succeed displayed by Carlos Yulo with his gold medal win at the 49th FIG ­Artistic Gymnastics World Championships,” ayon pa kay ­Communications ­Secretary Martin ­Andanar.

Ayon kay Andanar, malaking karangalan ang inuwi ni Yulo sa Pilipinas dahil ito ang unang ­Pilipino na nag-uwi ng gold medal sa naturang event.

“It is truly a ­historic event and we celebrate Yulo’s win with all our ­fellow Filipinos. We ­expect great things from this talented young man at the upcoming 2020 ­Tokyo Olympics,” sabi na Palace official.

Si Yulo ay nauna nang nakapasok sa 2020 ­Tokyo Olympics makaraang ­pumuwesto sa 18th ng ‘individual all-around qualification’ sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships for the men’s ­division. (Prince Golez)