Palasyo naghahanda sa epekto ng El Niño

Nanawagan ang Malacañang sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig sa harap ng nakaambang epekto ng El Niño o panahon ng tag-init.

Ang panawagan ay ginawa ng Palas­yo sa layuning hindi gaanong mahirapan ang publiko kapag nakaranas muli ng kakapusan sa supply ng tubig hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi lamang ang mga ordinaryong Pilipino ang apek­tado kundi pati ang mga magsasaka na gumagamit din ng tubig para sa kanilang mga pananim.

“The Palace calls on everyone to participate in water preservation not only in agriculture but also in our daily consumption to increase our resiliency against this extreme weather phenomenon,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na pinababantayan rin ng Palasyo ang presyo ng mga bilihin dahil sa posibleng epekto ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Panelo, namigay na ang Department of Agriculture ng water pumps at malalaking tubo para sa patubig bilang bahagi ng paghahanda sa El Niño.

Nakahanda na rin aniya ang gobyerno na magpatupad ng cloud seeding kung kinakailangan para hindi makompromiso ang mga pananim at water consumption ng publiko.(Aileen Taliping)