Ikukunsidera ng Office of the President ang  kahilingan ni Sen. Grace Poe na tanggalin ang ilang ‘restrictive rules’ sa inilabas na Freedom of Information (FOI) ng Malacañang.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella bilang tugon sa apela ni Poe na tanggalin ang nakapaloob na exception partikular ang paglalabas ng  Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN)  ng mga opisyal ng gobyerno bago ang opis­yal na implemen­tasyon ng Exe­cutive Order sa FOI na naunang nilagdaan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Depensa ni Abella ang draft version ng FOI ay kasalukuyan pang nire­rebisa ng Office of the Executive Secretary.

Idinagdag pa ng opis­yal na ang inilutang na concern at suhestyon ng senadora ay ikukunsidera ng Palasyo sa final copy ng FOI.

Nakasaad sa draft ng FOI Manual na ang SALN  ng mga government officials  ay hindi maaring ilabas kung ang hangarin ay taliwas sa moral o public policy.

“I think basically, it’s a safeguard against the malicious use of the information,” pahayag ni Abella.

Ang inilabas na restrictions sa SALN ay kabilang sa 166 na nakatala sa draft ng FOI manual na inilabas kamakailan ng Malacañang.

Binigyang-diin pa ni Abella na ang mga nakatalang exceptions ay mga standard exemptions.

“It’s all self-expla­natory. There are certain items there that cannot be revealed because of confidentiality, because of personal – that sort of thing,” dagdag ni Abella.