Nagpaabot ng masidhing pakikiramay ang Malacañang sa mga naulilang mahal sa buhay ng isang batang Pinoy na nasawi sa Barcelona terror attack.
“We express our sincerest condolences to the family of the Filipino boy who died during the Barcelona attack.
We extend sympathies to those who lost their loved ones and pray for the swift recovery of all those injured by this senseless act of violence,” pahayag ni Presidential spokesperson Ernesto Abella sa press briefing sa Malacañang kahapon.
Ayon pa sa tagapagsalita ng Palasyo, patuloy ang pagkakaloob ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng lahat ng kinakailangang ayuda sa mga kababayan na apektado ng tinawag nitong “heinous terrorist act”.