Muling hinimok ng gobyerno ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko na sa gobyerno bago ma­ging huli ang lahat.

Ang panawagan ay ginawa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng na­ging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na durugin ang kilusang komunista sa bansa.

Sinabi ni Panelo na habang may pagkakataon ay mas mainam na magbalik-loob sa gobyerno ang mga rebeldeng komunista dahil sabik na naghihintay na ang kanilang pamilya lalo na nga­yong kapaskuhan.

“It is not too late to return to the fold of the law. Your families await the warmth and the joy of your return. Let us end the internecine among Filipinos. Let the spi­rit of Christmas enlighten all of us that change that we seek in our society can only be rea­lized if we begin to change ourselves,” ani Panelo.

Ipinaalala pa ng kalihim na may naghihintay na karma sa mga gumagawa ng karahasan sa kapwa.

“The CPP-NPA in sowing violence against the people will reap violence from its protector. That is the irreversible law of karma or the law of cause and effect,” dagdag pa ni Pa­nelo. (Aileen Taliping)