Tahimik ang Palasyo sa pahayag ng United States (US) government na kaya iniatras ang bilateral talks sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Barack Obama ay dahil hindi umano ito magiging produktibo.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar na kumikilos na ang negotiators, diplomats at  miyembro ng diplomatic community gayundin ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa usapin kaya ipagpaubaya na sa kanila ang usapin.

“The situation has been dealt with already. We released the government statement and let’s just leave it at that,” dagdag pa ng Palace official.

Nauna rito ay nagpalabas ng statement ang US state department  na consequence na hindi natuloy ang meeting nina Obama dahil hindi raw ito magkakaroon ng isang produktibo.

Samantala, kinumpirma ni Andanar na itutuloy pa rin ni Pangulong Duterte ang naunsyaming pagbisita sa Brunei dahil sa nangyaring pagsabog sa Davao City.

“Certainly, it will happen soon… I don’t have a specific schedule or timeline with that. But ha­ving good relationship with Brune­i and a history bet­ween Davao and Brunei, then certainly that meeting, that visit will happen,” ani Andanar.

Nagkausap na rin aniya sina Pangulong Duterte at  Brunei Leader Hassanal Bolkiah sa sidelines ng sessions ng ASEAN summit kung saan ay magkatabi ang mga ito sa upuan pero blangko si Andanar sa na­ging paksa ng pag-uusap ng dalawang pinuno.

4 Responses

  1. You see it takes the whole diplomatic circle to do the damage control, the trust and friendship between the our ally , our mission was put aside..sayang lang dahil lng sa mga salita na di magandang pakingan at kagalang galang…

    1. duterte did not cuss obama, he just said at the beginning of his speech when he answered a question.. P*t*ng *na! he never said obama is son of a bitch…media should undergo seminar o licensure exam before they can practice their profession… just like engineers, doctors, nurses,teachers. etc…

      1. Aren’t you aware that the topic of discussion is Obama?..read the fine line ..media was there live when he said that..and the whole world hear that..thats what happens when inbalance person quote that pi word
        Dnt blame media..