Palasyo tiwalang ‘di sasablay si Comelec chief Abas

Ikinalugod ng Mala­cañang ang pagkakalu­sot sa Commission on Appointments ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sheriff M. Abas.

Ito ay matapos walang kahirap-hirap na nakuha ni Abas ang kanyang kumpirmasyon bilang Comelec chairman sa makapangyarihang komisyon.

“We welcome the confirmation of the appointment of Commissioner Sheriff M. Abas as the new Commission on Elections Chairperson.

“We are confident that Chairperson Abas would carry out his duties with integrity, excellence and competence to regain public trust in the electo­ral body,” ayon kay Pre­sidential Spokesman ­Harry Roque.

Matatandaang nagkaroon ng pagdududa sa kredibilidad ng ­Comelec matapos malagay sa kontrobersiya ang da­ting chairman ng komisyon na si Andy Bautista. ­