Umalma ang Palasyo ng Malacañang sa alegasyon ng isang eksperto na lalong nagpalala sa nangyayaring karahasan sa bansa ang inilunsad na anti-drug campaign ng administrasyong Duterte.

Binigyang-diin ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa isang panayam ng online news na kinikilala ng admi­nistrasyong Duterte ang anumang pana­naw lalo na ng mga eksperto sa ginagawang laban ng gobyerno sa iligal na droga.

Pero iginiit ni Abella na dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa kung saan lumalabas na matindi na ang problema sa iligal na droga ay kailangan nang magpatupad ng sariling inisyatibo at parameters ng pamahalaan at ramdam na umano na epektibo ito.

“In fact, the initial efforts at confronting the drug menace has successfully raised awareness of public consciousness of the massive problem. The approximately 700,000 users who turned themselves in has triggered a concerted outpouring of public concern,” paglilinaw pa ni Abella.

Hinati rin aniya ng gobyerno ang pagtugon sa problema at ito ay sa pamamagitan ng national security concern at public health issue at ngayon ay nasa second phase na ang pagtugon ng gobyerno kabilang dito ang mabilis na pagpapasya sa kaso, holistic rehabilitation at paglaban sa kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming trabaho at kita.

Nauna nang sinabi ng narco-trafficking na si Geoff Monaghan, na ang hardline anti-narcotics policies na ipinatutupad katulad ng sa Pilipinas ay magpapalala lamang sa problema sa halip na maging solusyon.

2 Responses