Nakatanggap ng ulat ang Office of the Provincial Agriculturist (OPA) sa Negros Occidental ng pagkasira sa mga pananim na palay ng magsasaka sa ilang munisipalidad dahil sa matinding init na nararanasan sa lalawigan.
Sa isang panayam kay Provincial Agriculturist Japhet Masculino sinabi nitong kinukumpirma na nito ang mga natanggap na impormasyon kaugnay ng pagkasira ng mga pananim sa Cauayan dahil sa tagtuyot na mas pinalakas ng El Niño phenomenon.
Noong Pebrero, naglabas ng advisory ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na magkakaroon ng katamtamang epekto ng El Niño sa ilang bahagi ng bansa.
Pinayuhan ni Masculino ang mga magsasaka na magkaroon ng tamang timing sa kanilang itatanim at ikonsidera muna ang produkisyon ng gulay kaysa palay.