Kung totoo ang rebelasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, aba this is something to consider seriously. Sa halip na mapuksa, lalo pang lumala. Nitong mga nakalipas na panahon, nagiging mas lalong da­ring ang mga sangkot sa iligal na droga. Ang pagpupuslit sa mga dau­ngan, ay walang puknat. Kundiman sa container pinapasok, pinadadaan sa mga magnetic lifter. Bilyon-bilyon ang halaga ng shabu na pinapasok sa bansa. Ngayon pati cocaine, pinapasok na rin sa bansa. Kung ang mga nakuhang bloke ng cocaine sa mga dalampasigan ng bansa ang pagbabasehan, na nasa 4.5 bilyong piso na ang halaga, mukhang ang mga adik dito sa pilipinas ay nagle-level up na. Ang mga indikasyon ay magsasabi na marami pang makukuhang sa mga dalampasigan ng bansa. Baka meron na ngang nakuhang iligal na droga pero ‘di pa naisu-surrender sa mga awtoridad.

Mismong ang Pa­ngulo na ang nagsabi na pinapasok na tayo ng Sinaloan drug cartel ng Mexico at Medellin cartel ng Colombia. Mga bigating mga cartel sa larangan ng illegal drug trade sa buong mundo. Pati mga Amerikano, nahirapang puksain ang mga cartel na ‘yan.

Mag-iisip tuloy kayo, epektibo ba ang all out war ng Duterte admi­nistration laban sa iligal na droga? Nagsimula sila sa datos na 1.6 to tatlong milyon. Ngayon, kung maniniwala kayo sa Pangulo, at walang dahilan para hindi natin siya paniwalaan, nasa pito hanggang walong milyon na ang mga adik sa bansa. Mukhang may problema tayo. Mali­ban na lamang kung ang pakay ng kampanya ay padamihin ang mga adik sa halip na bawasan o tuluyang puksain. Tama naman daw ang datos ni Bato at ni Santiago, pero pang Metro Manila lang ‘yun. Kung buong bansa ang pag-uusapan, nasa pito hanggang walong mil­yon. Puwede ba, ayusin ninyo muna ang datos para mas accurate ang naipaparating na impormasyon sa mamamayan. Lumilikha po ito nang kalituhan at wala sa lugar na takot sa mamamayan. Pero regardless kung ano ang tunay na datos, mukhang hindi natakot ang mga sangkot sa illegal drug trade.

Pito hanggang walong milyon ang adik sa buong bansa. Ob­viously, kung dumami ang adik, hindi effective. Baka kilangang magbago ng estratehiya. Puwede sigurong isentro ang kampanya sa rehabilitasyon. Baka kailangan paramihin ang mga rehab center sa halip na paramihin ang pinapatay. Sa halip na sa mga liblib na lugar, magtayo ng mga rehab center sa kalungsuran. Baka sa kailangan ga­wing madugo ang kampanya sa mga big time drug lord sa halip na pagpapatayin ang mga eskinita user at pusher. Baka kailangan gawing madugo ang kampanya sa mga protektor sa gobyerno ng mga drug lord na ito sa halip na pag-initan ang mga small time pusher at user. Baka kailangan gawing makatao ang kampanya sa mga maliliit sa halip na gawing madugo.

Sa Isang bagay lang naging epektibo ang all out war on drugs ng administrasyong Duterte.
Obviously, hindi naging epektibo ‘yan sa pagpuksa sa droga. Naging epektibo ito sa population control. Lagyan natin ng sustansiya ang kampanya sa halip na puro porma at salita.