Palusutan

Magkano ba talaga ang bayad sa maritime chef’s certification NC III? Iyan ang tanong sa Usapang OFW ni Danny V. via 551-5163.

Sa kuwento ni Danny, isang certification agency sa Maynila ang naningil sa kanya ng P3,000 bilang bayad sa NC III certificate na ibinigay sa kanya.

Ang problema, ang sumbong ni Danny, ay P1,200 lang ang lumalabas na ibinayad niya dahil ‘yun lang ang inilagay sa kanyang resibo.

Qualifications

Ang NC III certificate kung ang pag-uusapan ay ang maritime food preparation and supply competency ay isang set ng qualifications na dapat taglayin ng isang cook sa barko.

Sa kaso ni Danny, basta na lang daw siya binigyan ng NC III certificate na wala naman talagang in-depth determination ng kanyang competency bilang cook.

That alone should answer his question. Qualified o hindi ang isang cook, basta may pambayad na P3,000 ay makakakuha ka ng NC III certificate.

Face value

Ang ibig sabihin ay ‘yung nasa face value lang ng resibo ang halaga ng NC III certificate at ang sobra sa P3,000 na ibinayad ni Danny ay ibinulsa na ng ahensya.

Ang excess na bayad ay for turning a blind eye whether or not qualified ang nais kumuha ng NC III certificate.

Ang sobra ay para “ma-expedite” ang release ng document.

Imbestigahan

Paging MARINA, POEA at TESDA, busisiin ninyo ang scam na ito dahil hindi ito ang idea ni President Duterte nang sabihin niya na padaliin ang buhay ng OFWs sa pag-secure ng docs.

Ang sabi ng Pangulo ay tanggalin ang mga pila at pabilisin ang release ng requirements ng OFWs. Hindi niya sinabi na in the process ay pagkaperahan o pagaanin ang bulsa ng OFWs, okay?

Anyway, ang mga ganitong shenanigan ang dahilan kung bakit worthless pieces of paper ang tingin ng maraming foreign employers sa mga certificates o pati sa diploma na tangan ng OFWs.

Kabalbalan

Bukod kasi sa naglipana pa rin ang mga gumagawa ng pekeng docs sa Recto, complete with the required validation at ribbons ay pati authentic na docs ay may kalakip na kabalbalan ang bigayan.

No wonder na mainit ang mata sa atin ng European maritime authorities.

Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments.