KAHAPON (May 12) ang 36th birthday ni Dennis Trillo.
Tulad ng sabi niya sa amin ay walang big party si Dennis, pero meron siyang birthday salubong dinner sa house niya.
Dumalo sa dinner na ‘yon ang girlfie ni Dennis na si Jennylyn Mercado kasama ang anak nitong si Alex Jazz at ang Papa Noli Pineda ni Jen.
Kasama si Dennis ni Jen nang sunduin nito kamakailan ang biological father nito na nakatira sa South Korea.
Ang kanyang Papa Noli na lang ang pamilya ni Jen at ang son niyang si Jazz, kaya para na silang bahagi ng family ni Dennis.
Meron silang family pic na kuha sa dining table at isa pang group pic sa may sala.
Ang gandang tingnan na kasama ng parents ni Den ang father ni Jen.

Kasama rin sa pic ang respective sons nila. Si Den ay si Calix at si Jen ay si Jazz. Picture sila ng one big happy family.
May pinost na video si Jen sa Instagram na nagdya-jamming ang ‘magbalae’ na sina Daddy Abelardo at Papa Noli.
Naggigitara ang fadir ni Jen habang sing naman ang dad ni Den ng All of Me ni Frank Sinatra.
Tuwang-tuwa ang DenJen fans sa musical bonding na ‘yon ng mga fudrabels.
Sey nila, pareho palang mahilig umawit ang cool dads ng DenJen.
May isang fan pa na nag-comment ng, “Pamanhikan na ‘yan!”
Ang birthday boy na si Dennis ay walang post na kuha sa kanyang birthday ganap.
Mas abala siya sa pagpa-plug ng upcoming telefantasya niyang Mulawin vs. Ravena na lilipad na sa May 22 sa GMA Telebabad.
Sa Mayo 15 ay birthday naman ni Jennylyn, na ang sabi sa amin ni Dennis ay may birthday party this year.
Turning 30 na kasi si Jen sa darating na Monday, kaya meron siyang celebration.
May pa-photo shoot ang birthday girl sa Niceprint Photo.
Kasama ni Jen sa kanyang b-day shoot ang cutie pie doggie niya na si Conor Mercado.
Gaya ni Dennis ay may upcoming primetime series din si Jen, ang Pinoy adaptation ng Koreanovelang My Love From the Star na magsisimula na sa May 29.