Hello po Attorney,
Ako po pala si Mikey. Namatay po ang tatay ko nitong December. May share po na natatanggap ang father ko mula sa pinarerentahang building na pinamana pa sa kanya ng mga magulang niya.
Lima silang magkakapatid at hati-hati sila sa share. Mayroong 4 na anak sa labas ang father ko at tatlo kaming legal na anak. Kasal po sila ng nanay ko at hindi nag-iwan ng will ang father ko. Gusto po ng mga tita ko na idaan sa batas ang share ng daddy ko. Paano po ba ang hatian at makakakuha po ba ang nanay ko ng share?
Salamat po,
Mikaela
Ms. Mikaela,
Tama ang mga tita mo na dapat hatiin ang mana ng tatay mo nang naayon sa batas. Bilang kayo ay ang lehitimong pamilya ng tatay mo ay mabibigyan kayong mga lehitimong anak ng 1/2 na parte ng buong ari-arian niya. Ang 1/2 na ito ay paghahatian ninyong magkakapatid nang pantay-pantay.
Ang nanay mo bilang legal na asawa ay magmamana rin ng kasinglaki ng mana o parte na makukuha ng isang lehitimong anak. Kung nagkataon na 1 lamang ang lehitimong anak ay makakuha siya ng 1/2 sa buong estate at 1/4 naman ang asawa. Ngunit dahil higit sa isa ang lehitimong anak ay magmamana ang asawa kapantay ng share ng isang lehitimong anak. Dahil tatlo kayong legal na anak at kasal ang nanay mo ay magmamana kayo ng pantay-pantay at ang matitirang free portion sa ari-arian ay siyang paghahatian ng mga ilihitimong anak ng tatay mo.
Ayon sa batas ay 1/2 ng mana ng isang lehitimong anak ang makukuha ng illegitimate child at ito ay makukuha lamang sa free portion. Mauunang mabigay ang mana ng lahat ng lehitimong anak at asawa bago mabigyan ang illegitimate child mula sa free portion (parte na libreng ipamigay). Ibig sabihin ay hindi mababawasan ang share ng mga lehitimong pamilya kahit na napakarami pang ilehitimong anak ang tatay mo.
Halimbawa ay mayroong P100,000 ang hatian ay:
*share ng isang legitimate child/asawa = Php 22,222.22 bawat isa.
*share ng illegitimate child = Php 11,111.11 (paghahatian ng mga ilehitimong anak).
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922-0245/514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.