Kontrobersyal pa rin ang pumanaw na singer na si Goo Hara. Ito’y dahil sa mana na naiwan niya.
Nagpa-interview ang kapatid ni Hara sa Dispatch . Ito’y tungkol sa interes ng ina nila sa mga naiwan pang kayamanan ni Hara. 50% ang kini-claim sa kabila na inabandona silang magkapatid noong bata pa sila.
Nag-file ng legal complaint si Goo Ho In laban sa ina para hadlangan na makuha ang kalahati ng inheritance.
Ang ginawa raw kasi ng ina, nag-appoint ng legal representative para makapag-claim as direct ancestor ni Hara.
Ang mismong ama nga raw ni Hara na kahit paano ay magtaguyod sa magkapatid ay hindi na nag-claim ng inheritance but instead, hinayaan na lang ito sa kapatid ni Hara.
May nakausap ang Dispatch na representative ni Hara na ayon dito, “Goo Hara’s father as saying that their mother had left the children when they were young. Their father had traveled all over the country to make money to support the two siblings, and Goo Hara was taken care of by her grandmother and brother.”
Ayon kay Goo Ho In, ang ama raw nila ang nag-provide ng child support at living costs. At sey niya, “And he also actively helped as a guardian after her debut.”
Ang magkapatid daw ay malapit sa isa’t-isa at parang naging guardian na rin ni Hara ang kapatid.
Kuwento nito, during the funeral, dumating daw ang ina nila. Pero hindi raw niya makalimutan nang mag-attempt na mag-suicide noong una ang kapatid at magising, ang una raw sinabi ay bakit daw nandoon ang mommy nila.
Lahad pa nito, “Hara and I were abandoned by our mother, and so we grew up scarred. Maybe that’s why Hara kept wanting to be loved. She wanted to keep being loved by her fans too and so it was even harder for her. I’m upset that the person who’s the reason that Hara had such a hard time is now claiming to be her real mother when Hara’s not even here now. I can’t even stand it when the words ‘I’m Hara’s mom’ come out of her mouth.”
Ayon sa legal representative ni Goo Ho In, kaya rin nila inilagay na sa legal trials ang isyu dahil sa current law. Wala raw protection kapag ang magulang ay nag-claim ng inheritance kahit na inabandona naman nito ang anak.
Sabi pa niya, , “This not only impedes justice, it’s a secondary source of pain for the family left behind. Although it won’t be easy, we want to make this case a precedent that becomes a touchstone.”