Pinakamahalagang sangkap sa estabilidad ng bansa­ ang magandang ugnayan at relasyon sa kalapit-­bansa; isang ehemplong iniwan ni dating Department Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario; maging sa maikling panahon ng panunungkulan ni Secretary Rene Almendras.

Sa panahon ni Del Rosario, tinalakay ang tatlong haligi ng polisiyang panlabas ng Pilipinas at ang mga epekto nito sa pagharap ng bansa sa mga kritikal na isyu; makikita kung gaano kaepektibo at kahusay ang mga dating namuno sa departamento.

Ang unang haligi — ang pagtatanggol ng pambansang seguridad — ito ang naging batayan sa pagsasampa­ ng kaso laban sa China dahil sa kanilang panghihimasok sa West Philippine Sea (WPS). Nakakalungkot isipin lamang sa kabila ng maraming paghihirap ng mga nakaupo sa DFA, ngayo’y nabalewala­ ang lahat.

Pangalawang haligi — ang pang-ekonomiyang ­seguridad. Nakamit ng Pilipinas ang masiglang kalakalan na siya ring pumapangalawa sa paglago sa buong Asya kaya’t tayo’y nabura ang bansag bilang ‘Sick Man of Asia’.

Kahit ano pang sabihin ng mga naglipanang ‘trolls’ laban sa naka-dilaw, kailanman ay hindi sumadsad ang piso kontra dolyar sa nagdaang anim na taon at napakataas ang grado ng Pilipinas, mapa-local o ­international.

Sa kabilang banda, hindi pa naman huli ang laha­t para kay Secretary Jun Yasay para makabawi ang ­Pilipinas ngayong sunud-sunod ang kontrobersiya sa relasyong panlabas dahil hindi nalalayo ang karanasa­n ng kalihim sa mga naunang napalitan kung public ­service ang pag-uusapan.

Ang ikatlong haligi — ang pangangalaga sa mga Pilipino sa ibang bansa, malinaw kung gaano pinaha­lagahan ni dating Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino­ ang kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Hindi man kasing-yaman ang Pilipinas ng mga supe­r power sa buong mundo, hindi maitatangging personal para kay Citizen Noy sa nagdaang 6-taon ang kapakanan ng mga manggagawang Pinoy sa abroad at kulang na lamang ipadala ang dalawang C-130 para­ isalba sa gulo ang mga ito.

Kahit balikan ang record, makailang-beses nakansela­ ang bakasyon ng mga dating gabinete ­kahit holidays dahil sa posibleng kontaminasyon ng ­coronavirus at gulong likha sa Libya, Syria at iba pang lugar na pinamumugaran ng mga OFWs.

Hindi rin mabilang kung ilang gabinete at opisyal ang ‘nasasabon’ ni PNoy kapag palpak ang presentas­yon sa tunay na estado o kalagayan ng mga OFWs na nasa bingit ng peligro, kamatayan o kaguluhan — ito’y hindi nga lamang puwedeng isulat sa panahong ­nakaupo ang Pangulo sa Malacañang baka lumikha lamang ng kontrobersiya.

Itanggi o hindi, batid ng mga taga-DFA, maging taga-Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang ahensiyang nakatutok sa kapakanan ng mga OFWs kung paano nagagalit si PNoy sa tuwing may kapalpakan ang kanilang opisina para isalba ang isang Pilipino na nagpapasaklolo sa labas ng bansa.­

Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy niyo.” (Twitter: follow@dspyrey)