Sa diwa ng Kapaskuhan ay libreng sakay sa bus at jeepney ang handog ng Grab sa lahat ng mga Grab user mula nitong Disyembre 13 hanggang Dis. 24 sa mga piling lugar ng Metro Manila.

Ang mga Grab user ay makakabenepisyo ng Grab Christmas Express Bus and Jeeps sa pamamagitan ng Christmas Express Unlimited Pass mula sa in-app GrabRewards catalogue. Ang tiket ay magagamit nang paulit-ulit na laan lamang ito sa isang upuan.

Namamasada ang Grab P2P buses mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-11:00 ng gabi na ito ay rutang SM Megamall hanggang SM North sa pakikipag-partner ng Froehlich Tours Inc. at ang ruta naman na McKinley Hill patungong San Lorenzo Place mula sa alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi sa pakikipag-partner naman ng Citylink Coach Services.

Ang Grab Christmas Express Jeeps naman ay sa pamamagitan din ng Christmas Express Unlimited Pass, na ang mga Grab jeep units ay namamasada sa mga lugar ng Ayala-Market-Market mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi; EDSA-Pasig mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi; EDSA Crossing-Kalentong mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon; PRC-Mantrade-Kayama­nan C mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon; at Guadalupe-Gate 3 (modern jeep) mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.

“There were many challenges that Grab faced this year. 2018 is indeed a big learning opportunity for us. We are thankful for our consumers who opened up and shared their concerns, pushing us to do better and continue improving. As we end this year, we want our consumers to take away the feeling of home, the joy of being with the people and things that matter to them. We are privi­leged to be the conduit of this feeling this Christmas,” pahayag ni Cindy Toh, Grab Philippines Country Marketing Head.