Pambangon sa COVID! $500M PH loan aprub sa WB

Inaprubahan ng World Bank (WB) ang $500 milyon inutang ng Pilipinas na gagamitin karagdagang pondo para sa pagrekober mula sa COVID19 pandemic ng bansa.

Gayundin, bilang tugon sa naging impact sa mga mahihirap at mga `vulnerable households’ at pagbibigay rin ng financial relief sa mga small and medium enterprises (SMEs).

Nalaman na ang `fresh loan’ na nasa ilalim ng Philippines Emergency COVID-19 Response Development Policy Loan ay babayaran ng 29 na taon pero nagbigay ang WB ng 10.5 grace period.

“The COVID-19 pandemic has badly hurt millions of poor and vulnerable Filipino families, particularly daily wage earners,” ayon kay Achim Fock, World Bank acting country director for Philippines.

“This new financing can help with the delivery of financial support for struggling families and communities while the country is ramping up efforts to contain the pandemic and reduce its economic impact,” dagdag pa ng opisyal.

Una nang nagbigay ang WB ng dalawang magkahiwalay na loan ,una ay noong Abril 9 na $500 milyon para sa

disaster risk management programs, at ang ikalawa ay $100 milyon noong Abril 23 para sa health care needs.

Sinabi ng WB na ang bagong $500 milyon cash subsidy ang gagamitin ng gobyerno bilang subsidy sa may 18 milyon mahihirap na Filipino ,kasama na ang buwanang ayuda sa may 4.3 milyon benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Gayundin bilang ayuda sa may 13.6 milyon household na hindi 4Ps benificiary at sa mga na-repatriate na mga overseas Filipino worker(OFW). (Juliet de Loza-Cudia)