Isa si Alden Richards sa mapalad na kabataang artistang nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho ang yumaong magaling nating beteranong aktor na si Eddie Garcia.
Kaya naman sa kanyang recent Instagram post ay nagbigay-pugay din si Alden and shared his experience on working with the late veteran actor.
Ayon kay Alden, bumilib siya sa eksena nila ni Manoy Eddie 8 years ago kung saan ay inakyat ni tito Eddie ang bundok in costume.
“8 years ago, I had the privilege of working with Tito Ed in Panday 2. We had one scene on a mountain and grabe si Tito Ed, he would climb up by himself in costume.
“I will always remember him as being very independent, professional and passionate. I learned a lot from him. What a great loss to the industry. You shall be missed,” ang post ni Alden.
***
Gabbi naudlot makatrabaho si Manoy
Iba naman ang experience ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia na makakasama sana for the first time si tito Eddie sa “Rosang Agimat.” Matatandaang ito ang seryeng ginagawa ng yumaong aktor nang maaksidente siya sa taping at ma-comatose nang two weeks.
Sa post ni Gabbi, ipinahayag niya ang kanyang katuwaan nang una niyang malaman na makakasama niya si Manoy Eddie sa kanyang first solo soap.
“When I heard that I will be working with you for my first solo soap, i was overjoyed. Isa ka po sa mga pinangarap kong makatrabaho. We only saw each other thrice, but yet you gave me advice that I will never forget. Thank you Tito Eddie. Rest well,” ang pahayag ni Gabbi.
Kami ang nanghihinayang para sa young actress dahil abot-kamay na sana niya ang pangarap na makatrabaho si Manoy Eddie. But then again, sabi nga, everything happens for a reason at si Lord naman talaga ang nakakaalam kung hanggang kailan ang buhay natin.
***
Binuksan ang isip ng mga network sa tamang pag-aalaga – Juday
Panghihinayang din ang naramdaman ni Judy Ann Santos na hindi man lang siya nagkaroon din ng chance na makatrabaho si “the” Eddie Garcia.
Aniya sa kanyang IG post, ilang beses daw niya itong nakamayan at nakausap pero hindi niya nakasama sa mga proyekto.
“Nakakalungkot… nakakahinayang na hindi ko nagawang makatrabaho ang isang napaka professional at batikang artista.. pero naggawa kong makamayan at makausap ng maraming beses.. maraming salamat tito eddie.. mananatili kang nag iisa sa industriyang ito.
“Sana sa nangyaring to, maging bukas ang isip ng mga networks sa tamang pag aalaga, pagbigay ng sapat na kaalaman sa lahat ng taga production artista man o hindi, pagdating sa mga ganitong sitwasyon.. maaring naiwasan sana…
“Paalam sir eddie garcia.. hanggang sa huli ibinukas mo ang mata ng industriya.. kung paanong dapat pahalagahan at wag balewalain ang kaligtasan ng bawat taong nagtatrabaho sa produksyon..
“Mapayapang paglalakbay sir eddie..” ang mahabang post ni Juday.(Vinia Vivar)