Nalipat ng bagong petsa ang Pambansang Seminar 2017 at Gawad Pasado ng DLSU-Manila sa Mayo 2-5 dahil sa pagsuspinde ng Malakanyang ng klase sa lahat ng paaralan sa Metro Manila para magbigay-daan sa 30th ASEAN Summit.

Ang bagong venue ng seminar ay saWilliam Shaw Little Theater para sa Pambansang Seminar 2017 (Mayo 2-5), ang Gawad Pasado (Mayo 3) ay sa Teresa Yuchengco Auditorium. Parehong matatagpuan ang mga venue sa loob ng campus ng DLSU-Manila.

Sa mga nagpalista na para sa orihinal na petsa na Abril 26-29 at hindi na makadadalo sa bagong petsa, antabayanan lang ang mga detalye para sa refund.

Maaaring tumawag sa 524-4611 loc 509 o 552 at hanapin si Malou Ba­gonam o sa cell number 0927-2421630.