Matigas ang posisyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi na patulan at gatungan ang usapin sa pagitan nila ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.
Sa ambush interview kay Alvarez sa Surigao Provincial Gym, Surigao City nitong Marso 1, ngayong taon kung saan nanumpa ang mga bagong miyembro ng PDP-Laban, puro “no comment” ang sagot ng astiging pinuno ng Kamara.
Nang tanungin kung anong update sa gusot sa pagitan nila Mayor Sara at kung tapos na ba ito ay ganito ang itinugon ni Alvarez, “no comment ako diyan…surrender na nga ako e…surrender na.”
Inusisa rin ito kung tinangka ba nito na linawin ang isyu sa presidential daughter.
“Hindi na, ayoko nang mag-comment,” sagot ni Alvarez.
Panghuli, nang hingan komento si Alvarez kung ano ang masasabi nito hinggil sa napipisil na senatorial bet ni Mayor Sara na sina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson at Taguig Rep. Pia Cayetano ay dedma pa rin si Alvarez.
“Wala akong comment,” tugon ni Alvarez.