Pambubogbog ng pulis sa drug suspect huli sa camera

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad dahil diumano sa pambubugbog ng anim na pulis sa isang drug suspek sa nangyaring drug operation sa Barangay Carreta, Cebu City na nakunan pa ng video.

Nangyari ang insidente noong Abril 18 at sinasabing nabugbogbog ang drug suspect na si Eddie Basillote at dalawang iba pa sa kanyang bahay.

Nakunan ng video ang sinasabing pambubogbog na kumalat online.

Kaugnay nito, nagsasagawa na umano ng imbestigasyon ang Cebu City Police Office at inatasan na ang hepe ng Talamban Police, na nagsagawa umano ng operasyon para magsumite ng paliwanag ukol sa insidente.

Nakakulong na si Bassillote na nakunan umano ng shabu ng mga operatiba.