WALEY: Masaya ang pinaplanong concert ng mga Eigenmann na Sing Us Your Song Again: The Music and Legacy of Eddie Mesa na gaganapin sa September 23 sa Meralco Theater.
Bubuhayin nila ang Elvis Presley of the Philippines sa isang rock and roll night na magpaparanas sa atin ng apat na dekadang career ni Eddie Mesa, kasama ang guests na sina Ciara Sotto, Pilita Corrales, Christopher de Leon, Tirso Cruz III, Edgar Mortiz, RJ Jacinto at Hotlegs.
Siyempre kasama ang mga Eigenmann na active sa industriya ngayon — sina Michael de Mesa; Ryan, Geoff, Gabby, Maxx and Andi Eigenmann; Sid Lucero at Cherie Gil.
Marahil, marami ang gustong magtanong pero walang pagkakataon, kung totoong madadagdagan na naman ang mga Eigenmann dahil on the family way ang girlfriend ng isang aktor na kaanak nila.
Ang punchline ng ibang kasama natin sa panulat ay puwedeng sumama sa concert ang nasabing girlfriend dahil isa rin itong singer-performer.
Hayaang makita na lang natin sila sa family concert na ito.
A child is always a good addition to the family lalo pa’t consenting adults ang mga magulang nito at nagmamahalan. Malamang, kasama ito sa magpapatuloy ng legacy ni Eddie Mesa
***
WEHHHHH: Mamayang gabi na ang 50th Anniversary concert ng ating mahal na OPM President na si Ogie Alcasid sa Kia Theater.
Good luck and congratulations, El Presidente!!! Excited kami sa mga mangyayari sa career mo ngayong singkwenta ka na, specifically that compelling movie for a festival na gusto naming gawin mo.
As for Ogie’s wife Regine, masaya rin kaming fans mo na may extension na ang Regine 3.0 concert sa MOA-Arena on October 21 and 22.
Sabik ang mga tao sa concert na ito na matagal nang hinihintay ng mga maka-Songbird at natakam sa single nitong Tadhana na naging millennial anthem na cover ng Up Dharma Down original.
Kasama kami ni Nate sa pagsuporta, pagpalakpak at pagpuri sa inyong mag-asawa Ogie at Regine Velasquez-Alcasid! Bravo!
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.