Habang pinag-uusapan ang pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, mistulang nakaiskor naman ang mga naulila nito matapos maudlot ang pagkumpiska sa mga art collection ni dating Unang Ginang at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na nagkakahalaga ang $24 million.
Ito’y matapos atasan ng Supreme Court (SC) ang Sandiganbayan na i-turnover sa kanila ang lahat ng dokumento sa Civil Case No. 0141, o forfeiture case laban sa pamilyang Marcos.
Base sulat na ipinadala ni SC Deputy Clerk of Court and Judicial Records Division chief Basilia T. Ringol kay Sandiganbayan Executive Clerk of Court Renato Bocar noong Hulyo 5, 2016, inatasan ang anti-graft court na ibigay sa kanila ang lahat ng record sa nasabing kaso.
Kinabibilangan ito ng 35 volumes o 17,238 pahina ng dokumento kasama na ang mga orihinal na reklamo at mga ruling ng Sandiganbayan First Division simula noong Disyembre 17, 1991.
Maging ang mga exhibits na isinumite ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) at Office of the Solicitor General (OSG) ukol sa mga paintings na hawak pa rin umano ng mga Marcos ay kinukuha ng SC.
Dahil dito, inaasahan na mauudlot ang hinihingi ng PCGG at OSG na partial summary judgment sa anti-graft court ukol sa nasabing kaso matapos mabigo ang pamilyang Marcos na sumagot sa kahilingang ito ng gobyerno.
Naninindigan ang PCGG at OSG na dapat makuha ng gobyerno ang mga art collection ng mga Marcos dahil bahagi umano ito ng ill-gotten wealth dahil malabo umanong mabili ng dating Pangulo ang nasabing mga painting na umaabot lamang umano sa $304,372.43 mula 1966 hanggang 1986.
Kabilang sa mga hinahabol na paintings ay ang 152 piraso na nagkakahalaga ng $11.84 million; 27 paintings at sculptures na nakumpiska sa Metropolitan Museum of Manila na nagkahalaga ng $548,445.48; at 12 pang paintings na gawa ng American artist na si Anna Mary “Grandma Moses” Robertson na binili umano sa halagang $372,000.
PCGG at OSG??? mga lintek kayo.. sa hinaba haba ng panahon di nyo nakuha ng buo??? isa lang ang ibig sabhin nun… dahil KALOKOHAN lang KAYO>>>>>>> budget pa more pa ra sa inyo… pag natapos nga naman ang kaso wala na kayong budget sa gobyerno, diba??????