Pamilya minasaker habang tulog; baby nakaligtas

long-knife

Nangangamba ang mga residente ng Cincinnati sa Pike­ton, Ohio matapos na pagba­barilin ang walong miyembro ng isang pamilya na naka­tira sa magkakahiwalay na bahay sa kasarapan ng kanilang pagtulog.

Nabatid na pitong adult at isang teen­ager ang nasawi, habang nakaligtas ang isang bagong panganak na sanggol na katabi ng kanyang inang binaril sa ulo at tatlong bata.

Blangko pa umano ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng suspek na ikinukonsiderang “extremely dangerous” at kasalukuyang naglunsad ng manhunt operation.

Sinabi ni Attorney General Nike De Wine na walang indikasyon na nagpatiwakal ang mga nasawi pero ang mga ito ay nakilalang mi­yembro ng Rhoden family pero hindi pa inilabas ang kanilang mga pangalan.

Hindi pa rin ma­es­tablisa ang motibo ng krimen pero pinag-­iingat ang lahat ng mi­yembro ng pamilya Rhoden dahil lumabas sa imbestigasyon na sila ang target patayin ng suspek.

Nilinaw rin ng awtoridad na walang dapat ipangamba ang mamamayan sa komunidad pero inabisuhan sila na ikandadong mabuti ang kanilang mga pinto at maging alerto sa gabi. (Juliet de Loza-Cudia)