Limang miyembro ng pamilya, kabilang ang batang 5-taong gulang, ang nalason matapos kumain ng butete sa bayan ng Masingal, Ilocos Sur.
Sa imbestigasyon ng Masingal Police Station (MPS) batay sa misis ng biktimang si Marlon Salvador, nag-iinuman ito kasama ang tatlong anak nang magdesisyong pulutanin at ihawin ang butete kung saan kasamang nakikain ang bunso nito na 5-anyos.
Ilang oras lang ang nakakaraan ay nakaramdam ang mga biktima ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka.
Inoobserbahan na ang mga biktima sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang.