Nagpasaklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kamag-anak ng nabaril sa drug bust suspek na unang nagpatay-pata­yan pero bumangon nang makita na mayroon ng media, noong Martes ng madaling-araw sa service road ng Ro­xas Boulevard sa Malate, Maynila.

Nagtungo sa tanggapan ng NBI-Death Division, ang ina, kapatid at tiyahin ni Francisco Maneja Jr. Y Santiago, 28, tricycle driver na pinagbabaril ng mga pulis-Maynila kasama ang nasawing si George Huggins sa isang operasyon. Inakala umanong patay na si Maneja, subalit big­la itong bumangon nang may mga dumating na media sa lugar.

Nabatid na inireklamo ng mga kaanak ang mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 9 (MPD-PS 9) na bumaril kay Maneja.

Sinabi umano ni Maneja, nagpahatid sa kanya ang isang lalake sa supermarket pero pagdaan sa presinto, pinahinto ng pasahero ang tricycle.

Nagpakilala umano itong pulis at pinaakyat siya sa police station at pinataklob ang kanyang mukha

Dito na umano siya binugbog at pinaaming tulak ng droga.

Kinagabihan, pinasakay umano si Maneja ng mga pulis sa tricycle kasama ang isa pang lalakeng hndi niya kilala at may isinukbit na baril sa kaniya.

Pagdating umano sa Rajah Sulayman Park, dito na sila pinagbabaril.

2 Responses

  1. matagal na ang ganyang gawain ng mga police kung gusto ka nilang patayin lalagyan ka ng baril at sasabihin nilang lumaban ka kaya ka nila binaril at pinatay. eh ngayon yung akala nilang napatay na ay bumangon kaya laking gulat ng mga police na ito dapat dya sa mga lintek na police at mga sundalo na iyan sila ang dapat mamatay