Pamilya ng OFWs inisnab ng DFA

Dismayado ang isang party-list congressman matapos isnabin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang inorgani­sang dia­logue na hiniling ng mga asawa ng mga stran­ded overseas Filipino workers (OFW) sa Kamara kahapon.

“I am dismayed by the non-appearance of any DFA representative in this very important dia­logue considering that they are supposed to lead the one-country team approach during crisis situations involving our overseas workers,” ani ACTS OFW Party-list Rep. Aniceto ‘John’ Bertiz III.

Ayon sa mambabatas, hiniling ng mga asawa ng mga OFW na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia at hindi makauwi, na makipagdayalogo matapos matuklasan na mayroon umanong OFW na nag-suicide noong Pebrero subalit hindi pa naiuuwi ang bangkay nito hanggang ngayon.