NI: ROSE GARCIA

Hindi man pisikal na maasalto ni Derek Ramsay ang girlfriend na si Andrea Torres sa kaarawan nito mukhang daig pa ang may pa-surprise party sa ginawa niya.

Magkahiwalay sila ngayong ECQ pero gumawa pa rin siya ng paraan.

Buong netizens ang nakaka-witness dahil sa uploaded video ni Derek sa kanyang Instagram account.

Gumawa siya ng video greetings ng mga taong malapit kay Andrea. Kabilang na ang high school bestfriend ng Kapuso actress at ibang kaibigan.Pati na ang mga magulang, kapatid, anak ni Derek, manager at pamangkin.

Mararamdaman mo talaga na hindi lang tanggap kung hindi mahal nila si Andrea. Ang magulang ni Derek ay nami-miss din siya .

Ang isang kapatid ng aktor even thanked Andrea for making her Kuya happy raw.

Sabi nga ni Derek, “There you go baby. All those people loves you so much. We all wish we were there I wish I was there with you to give you a nice big hugs. Happy, Happy Birthday, Babes. You know that I love from the bottom of my heart and I’m so lucky to have you in my life. Happy Birthday, Baby. Take care.”

Parang nai-imagine namin si Andrea kung paanong magkahalong tawa at iyak ang ginagawa nito habang pinapanood ang video. Sabi nga niya, “This means so much!!!! I’m so happy!!! Thank you Babe. I love you!”

Nagpasalamat din ito sa lahat ng bumati sa kanya at inaming umiiyak pa rin daw siya.