TODAS ang isang lalaki habang sugatan naman ang kapatid nito nang pagbabarilin ang sinasakyan nila kasama ng mga magulang, sa Malate, Maynila.

Dead on arrival sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Edgar Ruamiro, 24, habang tinamaan naman ng bala sa braso ang kapatid niyang si Luisa, 26.

Naganap umano ang pamamaril kahapon ng umaga sa panulukan ng P. Ocampo at Bautista St. Malate, habang sakay ng Chevrolet Spark LS ang mga biktima kasama ang kanilang ama na si Ernesto, at ina na si Erlinda, barangay kagawad ng Brgy. 53 Zone 7, Tramo, Pasay City.

Papunta umano ang mag-anak sa Paco Market nang lapitan ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril si Edgar na noon ay nakaupo sa tabi ng driver.

Iniimbestigahan na ang motibo ng krimen. (Juliet de Loza-Cudia)