Pamilya Uy ‘di natinag sa survey

Hindi natinag ang pamil­ya Uy sa Zamboanga del Norte sa isina­gawang survey ng RP- Mission and Development Foundation Inc., isang Manila survey firm na gumagawa ng national at local surveys kung saan tinatanong ang 5,000 respondents kung sino ang kanilang iboboto sa pagka-Mayor ng Dipolog City,

Mayor ng Dapitan City, Congressman ng unang distrito at Governor ng Zamboanga del Norte sakaling ngayo­n gaganapin ang halalan.

Lumabas sa survey nitong April 27- May 1 na 70% ang boboto kay incumbent Dipolog City Mayor Darel Dexter Uy, samantalang 25% kay dating Governor Rolando Yebes.

Nangunguna din si incumbent Governor Berto Uy na may 60% samantalang si Cong. Seth “Bullet” Jalosjos ay 40%.

Sa Dapitan City, mahigpit ang labananan ni incumbent Mayor Rosalina “Nene” Jalosjos na nakakuha ng 43% samantalang si dating Dipolog City Mayor Evelyn “Belen” Uy ay 46% .

Umiskor naman ng 50% si datin­g Polanco Mayor Roberto “Pinpin” Uy Jr. laban sa katunggali na si Romeo Jalosjos Jr. na 45%.