Pampaganda sinilid sa Louis Vuitton bag, shoplifter na lady specialist dinampot

timbog

Kulungan ang bagsak ng isang lady specialist matapos mabuking sa pagnanakaw ng beauty products sa loob ng isang department store, Lunes nang hapon sa Brgy. Calumpang, Marikina City.

Sa report ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Karen Barba y Canonigo, 28-anyos, Communication Specialist ng Teletech na nahaharap sa kasong Theft.

Naganap ang insidente alas-4:58, Lunes nang gabi sa loob isang mall sa Marikina nang ireklamo ni Manduriao Star, Inc. security guard Javier Fajiculay, ang suspek.

Ayon kay Fajiculay, kahina-hinala ang kilos ng suspek nang pumasok sa loob ng department store dala ang kanyang brown Louis Vuitton shoulder bag.
Namimili ng beauty pro­ducts ang suspek sabay silid ng ilang piraso sa loob ng kanyang bag.

Nakita ng guwardiya na nagbayad ang suspek pero bu­king nitong hindi binayaran ang ilang produkto kaya nang palabas na ay hinanapan nito ng re­sibo ngunit walang maipakita.

Nakumpiska sa suspek ang iba’t ibang pampaganda na nagkakahalaga lahat ng P1,579. (Vick Aquino)