Nakatakdang sumulong ang Pampanga FIDE Rated Open at Kids Chess Tournament sa Enero 5 sa Marquee Mall sa Angeles, Pampanga.

Tampok sa one-day chessfest ang dalawang division tournament, isang Open at Kids cate­gory 13 and under, ayon kay tournament organi­zer Jose Fernando “Fer” Camaya.Ipapatupad sa Fide rated event ang Rapid Format, 9 rounds swiss Time control, 15 mins + 3 sec increment (bonus mode).

Nakalaan sa magkakampeon sa Open cate­gory ang P6,000 cash prize plus trophy, habang ang second hanggang tenth placers ay tatanggap ng tig-P3,000, P2,000, P1,500, P1,000, at P500 ayon sa pagkakasunod.

 May naghihintay naman na category ­prizes para sa Top senior (P1,000), Top 17 yrs. old and under (1st P500, 2nd P300, 3rd P200) at Top 15 yrs. old and under (1st P500, 2nd P300, 3rd P200).

Maibubulsa naman ng magkakampeon sa Kids Division 13 and under ang P3,000 + Trophy.Limitado lamang sa 200 Participants, tig-100 sa Open at Kids division.Nagsimula na ang pagpapatala at magtatapos hanggang Enero 2, 2019 na nagkakahalaga ng P400. Walang onsite registration.Hanapin si tournament organizer Camaya sa mobile number: 0915-881-4752.


Elech Dawa