Panaga, Morente ‘nilanggam’

Sweet at intimate ang naging celebration nina volleyball star couple Jeanette Panaga at Michelle Morente sa kanilang anniversary.

Isang candle light dinner ang pinagsaluhan ng dalawa na kanilang ibinahagi sa Instagram kahapon.

Nagbigay ng mensahe si Panaga na nasa Premiere Volleyball League sa kanyang IG post para kay Morente.

“Fall in love with someone who never stops choosing you and with someone who feels like home everytime you look at them. Happy Anniversary love @michellemorente,” caption ng PetroGazz Angels middle hitter.

“I love you” at “Happy Anniversary” naman ang naging tugon ng F2 Logistics Cargo Mover sa Philippine SuperLiga na si Morente sa kanyang katipan. (JAT)