Dahil sa pagbabanta ng coronavirus o 2019-Novel Coronavirus (2019-nCoV), kinansela ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang lahat ng big public activity partikular na ang Panagbenga sa lugar sanhi ng nasabing virus.
Ayon sa alkalde ng Baguio City, ang mga aktibidades na makakansela ang pagbubukas ngayong araw (Pebrero 1) ay ang Panagbenga Festival, Cordillera Administrative Region (CAR) Athletic Games sa Pebrero 15 at ang Sunday opening ng Session Road.
Sa telephone interview ng Tonite, sinabi ni Magalong na temporary lamang ang ginawang pagsasara ng mga event sa nasabing lungsod upang bigyang seguridad ang kalusugan ng mga taga-Baguio.
Sinabi ni Magalong na pag-aaralan din ng local government unit (LGU) ng siyudad kung patuloy ang mga small event gaya ng kasal, conference at iba pa.
Dagdag pa ng alkalde, titingnan nila kung itutuloy ng lokal na pamahalaan ang Panagbenga street dancing at float parade sa Pebrero 29 at Marso 1.
Ang Baguio City na may malamig na lugar ay prone o magandang breeding ground para sa nasabing virus.
“The cold weather serves as an ideal breeding ground for viruses which have achieved the ability to spread between people, as they are more stable in cold air, and low humidity helps them to ‘float’ for longer” ayon sa Baguio City LGU. (Allan Bergonia)