Panagbenga kinansela ni Magalong

Hindi matutuloy nga­yong Marso ang Panagbenga festival sa Baguio City.
Mismong si ­Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang nagkansela kahapon, Lunes, sa ­nasabing event.

Ayon kay Magalong, ang desisyon ay galing sa Baguio City Interagency Task Force on COVID-19 (BCITF-COVID-19).

Base pa sa rekomendasyon ng BFFFI, ayon kay Magalong, sinuspinde na rin lahat ng operasyon ng night market sa lungsod mula ngayong Martes at sa susunod na 14 araw.

Sinabi ng alkalde na lahat ng event kaugnay ng taunang selebrasyon ng Panagbenga Festival ay kanselado rin.

Una nang itinakda ang opening parade para sa Panagbenga festival noong Pebrero 1 ngunit ipinagpaliban ito ng pamahalaang lokal ng Baguio City bilang precautionary measure sa COVID-19. (Allan Bergonia)