Malaki ang paniwala ng Baguio ­Flower Festival Foundation, Inc. (BFFFI) na 100% nang matutuloy ang selebrasyon ng Panagbenga Festival 2020 nga­yong buwan ng Marso.

Matatandaan na nakansela ang Panagbe­nga Festival na ipagdiriwang sana noong nakaraang buwan dahil sa banta ng ­coronavirus disease 2019 ­(COVID-19).

Ayon kay Andrew Pinero, media officer ng BFFFI, walang anumang senyales na nagpapakitang makakansela ulit ang mga aktibidad ng Panagbenga.
Sinabi ni ­Paniro, tuloy-tuloy na ­naghahanda ang BFFFI at ang ­lokal na pamahalaan ng Baguio City.

Ibinahagi rin ng opisyal na may mga bagong kompanya na makikisali sa Grand Float Parade.

Anang opisyal, naghahanda na sila para sa Opening Parade ng Panagbenga 2020 sa Marso 21.

Magaganap ­naman ang Grand Street Dance Parade sa Marso 28, ang Grand Float Parade sa Marso 29 at ang Session Road in Bloom sa ­Marso 30 ­hanggang Abril 5. ­(Allan ­Bergonia)