ANG diva that you love, hindi mapigilan ang ma-teary eyed matapos mapanood ang TV ad kung saan bida ang the one band that ruled them all … ang Eraserheads.

The Philippines’ answer to the Liverpool’s Fab Four, ang TV ad ay parang tribute to a not so innocent time pero filled with wonderful me­mories.

Ang commercial capi­talized on the mush and magic behind throwback Thursday, flashback Friday, senti Saturday at slide back Sunday.

Minsan ang ginamit na kanta para sa TV ad na mula sa second album nilang Circus.

What is heart-tugging sa commercial ay ‘yung truth na after everything that has been said and done, tungkol sa kanilang musical contributions, intriga at tagumpay at pagiging mga buhay na alamat… sa kasalukuyan, tila magkakaibigan na silang muli.

Tapos na ang panahon kung saan nagpapataasan ng pride at ihi ang grupo.

What they have now is something more precious and real, a friendship that defied all odds, tested not only the waters but fire and they survived it.

At hindi na sila juvenile.

Gone are the angst and raging testosterone. Individually they have their own successes and they are proud of their lone victories, pero iba pa rin siyempre ang ultraelectromagnetic powers nila bilang Eraserheads.

Noong may formal modern jazz dance cla­sses pa ako, ang tea­chers namin mga Eraserheads songs ang ginagamit na music para sa aming workout at routines.

Ligaya, Toyang, With A Smile, Magasin, Kailan, Huwag Mo Nang Itanong at Para Sa Masa ang ilan sa mga paborito kong Eheads songs.

Thus, I cannot help but wonder, nagka-Rak of Aegis na featuring the ditties of Aegis, 3 Stars and a Sun kung saan highlighted ang rap contributions ni the late king of rap Francis Magalona at Ako si Josephine, wala bang theater na may balak ga­wing musical ang mga kantang mula sa Eraserheads na considered as anthems of the 90’s youth?

Ano pa ang hinihintay?

Buti ang Ballet ­Philippines, may contemporary ballet creation sila that used the music of the Eraserheads.

Ayun sa aking kaibigang si W, “According to my notes, Liza Magtoto has a draft for a jukebox musical using their songs.”

Anyare, Ms. Magtoto?

Mas nauna pa ang songs ni Yeng Cons­tantino na maging musical eh di hamak na the songs of Ely and his brothers defined the era that was.

The sentiments and lessons contained in their songs can serve as gentle reminders to the young and the reckless.

Panahon na para sa Ligaya, an Eraserheads musical!

***

frankie-pangilinan-001
Frankie Pangi­linan

Palakpakan na may kasamang sigawan para sa Eat Bulaga, especially kung sino man ang naka­isip na maging panauhin si Frankie Pangi­linan at ipakanta rito ang Mr. DJ, ang bubble gum hit of her mommy dearest na si Ms. Sharon Cuneta.

Si Frankie ang first daughter ni mommy Mega kay Senador Kiko Pa­ngilinan.

Although medyo shaky ang simula ni Frankie, as the song progressed, na-pull off niya ito and she placed her own stamp.

She played the guitar with the requisite confidence, tapos may pagka-alto ang kanyang voice range.

Pleasant na pleasant pa ang rehistro niya sa TV screen.

Ang panalo pa sa young Ms. Pangilinan, professional na professional ang demeanor at manner of speaking lalo when she was made chika by the EB dabarkads hosts.

Bilang isang Sha­ron Cuneta fan, pulling the heart strings to see the megastar’s daughter si­nging and giving justice to a song na significant sa ka­rera ni Shawie.

***

Hindi pa kayo nau­umay at bwisit na bwisit?

Sangrekwang Senate hearings and investigations, nakatulong ba ang mga iyan sa masang Pili­pino?

Ang basic goods, food, shelter and clo­thing… dahil sa mga hea­ring na ito, bumaba ba?
Ang mga services, ­bumilis ba?

Mahaba pa rin ang pila sa MRT at LRT. Dalawa hanggang apat na oras pa rin ang traffic sa EDSA lalo na pag biglang nagka­thunderstorm.

Mabagal pa rin ang processing ng mga papeles sa government institutions.

Ang tuition fees, kur­yente, gas, LPG, tubig, natapyasan ba ang presyo dahil sa mga imbestigasyon?

Ang population boom, ang utang sa loob at labas ng bansa… dahil ba sa mga hearings na ‘yan, umaayos at naresolba?

Luminaw na ba ang Ilog Pasig, luminis na ba ang Manila Bay? Ang mga estero at kanal, hindi na ba barado tuwing nagbabangayan kayo sa Senado?

Kailan ba kayo maaawa at tunay na tutulong sa mga api, descamisado, desaparecidos, gutom, nanlilimahid, walang matirahan, mga kinawawa sa sariling bayan?

Pulos kayo daldal, pulos kayo pagalingan at palaliman sa Ingles na ginagamit… tapos ang masang Pilipino, nganga, gutom at tuliro.

Sana, sa bawat kuda at hanash ninyo, may ­tunay na epekto pang-araw-araw na buhay ng ma­sang Pinoy. Tigilan na ang mga Senate hea­rings na ang kiyeme la­tik eh in aid of ­le­gislation.

One Response

  1. I LOVE YOU TALAGA ALWIN I…. ikaw lang talaga ang da best na showbiz columnist para sa akin…. FAIR… at may UTAK….. ayoko na magmention ng name ng iba… basta….. #1 fan mo ako…… #avidReaderSaMgaKolumMo